Bumulagta at agad na nasawi ang isang hinihinalang drug pusher makaraang pumalag at manlaban sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy–bust operation sa Negros Occidental.

Sa ulat na nakarating kay PDEA Usec. Director General Isidro Lapeña, kinilala ang hinihinalang drug pusher na si Gerome Carampatana, ng Bacolod City.

Si Carampatana ay binawian ng buhay dahil sa tinamong mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa ulo at katawan, dakong 8:00 ng gabi kamakalawa sa bayan ng Murcia. (Jun Fabon)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog