Hindi maihihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos hanggang September 12, matapos na mag-isyu ng status quo ante order (SQAO) ang Korte Suprema.

Ayon kay Supreme Court spokesman Atty. Theodore Te, ang status quo ante order ay epektibo sa loob ng 20 araw kung saan wala munang magaganap na pagpapalibing sa labi ng dating Pangulo, mula nang matanggap ng mga petitioner at lahat ng partido ang kautusan ng korte.

Dahil dito, ipinagpaliban muna ang oral arguments sa petisyon na inihain ng tatlong grupo na mga biktima ng Martial Law na gaganapin sana ngayong umaga.

Kabilang ang petisyon nina dating Bayan Muna Reps. Satur Ocampo at Neri Colmenares, gayundin ang ikalawang petisyon ng Grupo ni Albay Rep. Edcel Lagman at ng mga kaanak ng mga biktima ng Desaparecidos at ang petisyon nina dating Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Humabol kamakalawa na naghain ng petisyon ang grupo nina dating senador Heherson Alvarez, batikang director na si Joel Lamangan, National Commission for Culture and the Arts executive director Cecilia Guidote-Alvarez, dating Education Secretary Edilberto de Jesus, University of Santo Tomas political science professor Edmund Tayao, Movement Against Political Dynasties chairman Danilo Olivares at actor na si Noel Trinidad.

Habang ang pang-limang petisyon ay inihain ng grupo ng mga kabataan na nagpakilalang millennials na sina Zaira Baniaga, John Arvin Buenaagua, Joanne Lim at Juan Antonio Magalang na pawang mga estudyante ng University of the Philippines at kanilang counsel na si Atty. Jesus Falcis III. (Beth Camia)