DAVAO CITY – Nais ni Agriculture Secretary Manny Piñol na matuldukan na ang “panghuhula” ng karamihan sa mga magsasaka sa kung ano ang itatanim nila sa kanilang mga bukid, sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga lugar sa bansa na hiyang para sa partikular na mga tanim.

Sinabi ni Piñol na nagsasagawa na ang kagawaran ng National Color Code Agriculture and Fisheries Map upang matukoy ang mga partikular na lugar sa bansa batay sa uri ng lupa at klima roon na magiging gabay ng magsasaka sa kung aling tanim ang maaaring mapagkakitaan upang matiyak ang kasapatan ng pagkain at maisagad ang produksiyong agrikultural sa bansa.

Aniya, dahil sa kawalan ng ganitong mapping sa bansa, ang pagtatanim ay naging “guessing game for the Filipino farmers” dahil hindi batid ng mga ito kung aling tanim ang pinakaakma para sa uri ng lupa sa kani-kanilang bukid, kaya nag-e-experiment na lang sila na gumugugol ng “mga taon, pera, at pagod”.

“Farming has made a guessing game for the Filipino farmers kasi walang guidance from the government. They do not even know what kind of soil do they have in their farm,” anang kalihim. (Antonio L. Colina IV)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga