CARACAS (AP) – Walang napagwagihang gintong medalya ang 87 Venezuelan athlete, ngunit sa kanilang pagbabalik-bayan sasalubungin silang mga bayani at pagkakalooban ng insentibo – bagong pabahay mula sa gobyerno.

Ipinahayag ni Venezuelan President Nicolas Maduro nitong Lunes (Martes sa Manila) na tatanggap ng libreng pabahay ang lahat ng atleta na sumabak sa katatapos na Rio Olympics.

Ang naturang pabahay ay bahagi ng socialist revolution program ng pamahalaan.

Iginiit ni Maduro na ito lamang ang kayang maibigay ng pamahalaan para tumbasan ang sakripisyo at pagmamahal sa bansa ng mga atleta.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagwagi ang Venezuela ng tatlong medalya sa Rio Games: isang silver sa triple jump at bronze sa boxing at BMX.