SAN FABIAN, Pangasinan – Dalawang pulis-Pangasinan na kapwa nasa drug watchlist ang napatay sa buy-bust operation na nauwi sa engkuwentro sa Barangay Cabaruan sa bayang ito, Lunes ng gabi.

Pinangunahan ng Regional Intelligence Division, Police Regional Office (PRO)-1, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 1, Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) at San Fabian Police ang buy-bust dakong 8:00 ng gabi nitong Lunes laban sa dalawang pulis na nauwi sa shootout.

Kinilala ni Chief Insp. Arvin Jacob ang napatay na sina SPO3 Marlon Nicolas at PO3 Jenny Agbayani, kapwa nakatalaga sa PPPO, at sangkot din umano sa gun-for-hire activities.

Ayon sa report, si Nicolas ay kabilang sa mga target ng PRO-1 dahil sa malawak umano nitong koneksyon sa illegal drug trade.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nakuha umano mula sa mga suspek ang nasa 20 gramo ng Shabu at kalahating kilo ng marijuana, P3,000 marked money, at dalawang .9mm Berretta pistol. (Liezle Basa Iñigo)