Julia-Montes-520x326 copy

IPINAGPAPASALAMAT ni John “Sweet” Lapus na hindi siya nakakalimutan ng ABS-CBN at ng Dreamscape Entertainment unit ni Sir Deo Endrinal. Kaya napabilang siya sa Doble Kara na mahigit isang taon nang namamayagpag sa ere, at mukhang magtatagal pa dahil mas lalong tumaas ang rating na sobra-sobrang blessings na para sa kanilang lahat na involved sa serye.

Importanteng papel ang ginagampanan ni Sweet sa Doble Kara dahil malaki ang kaugnayan niya sa bidang kambal na sina Kara at Sarah na ginagampanan ni Julia Montes.

Ano ang masasabi niya sa pagganap ni Julia sa dalawang papel sa serye nila?

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Sa totoo lang naman, eh, nakita naman natin na from teenager, naging mother si Julia, both as Kara and Sarah, na napakahusay ng kanyang transition. Sinabi ko na ito, lagi ko namang sinasabi sa aking social media accounts: classic si Julia.

“Wow, kami dito sa set, kapag kaeksena namin si Julia, napakahusay niya,” pagpuri ni John sa kanilang bida.

Aniya, ang huling aktres na kanyang hinangaan sa pagganap ng twins ay si Eugene Domingo.

“Sabi ko nga, na last actress who played twins na kitang-kita mo ang difference nu’ng kambal, na feeling mo ay dalawang tao na talaga sila, eh, si Eugene Domingo.

“That was the last time, until of course, when Julia Montes came dito sa Doble Kara. Tandaan natin na twenty-one lang siya, pero ‘yung ganu’n ka-deep na acting and her preparations, wow, talagang sobrang nakakabilib and it’s such an honor na katrabaho mo siya,” sey pa ni John Lapus. (Jimi Escala)