LAS VEGAS — Nakabawi si Conor McGregor sa natamong kabiguan kay Nate Diaz via unaminous decision sa UFC 202 nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Sa pinakahihintay na rematch ng dalawang pinakasikat na fighter sa welterweight, nagawang makontrol ni McGregor ang tema ng laban para makuha ang ayuda ng mga hurado na nagbigay ng 48-47, 47-47, 48-47 iskor.

Nagawang mapabagsak ni McGregor si Diaz nang dalawang ulit sa second round, ngunit nagawang makabawi ng karibal.

Nagpalitan ng lakas ang dalawa, ngunit mas naging matibay sa pagkakataong ito ang tinaguriang pinakamayamang mixed martial arts fighter sa mundo.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA