May pasabog pa si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa fund scam na kinasangkutan ni Janet Lim Napoles, gamit ang Priority Development Assistant Fund (PDAF).
“Let us revisit the Napoles case. I have some revealing things to tell you about it. You just wait,” ayon sa Pangulo sa isang press conference sa Davao City kahapon ng madaling araw.
Magugunita na maraming opisyal ng pamahalaan ang inimbestigahan dahil sa fund scam ni Napoles, kung saan ang pondo ng gobyerno ay sinasabing inilagay umano sa ghost projects at ghost non-government organizations (NGOs).
Kabilang sa mga kinasuhan sina Juan Ponce Enrile, Ramon Revilla Jr., at Jinggoy Estrada.
Sa kabila ng maraming nakasuhan, mayroon pa umanong mga ibubunyag ang Pangulo. “If that is the only thing that I’ll have to do until the end of my term, I will do it. For I shall have done a singular task of giving you the truth about your government,” ayon pa sa Pangulo. (Antonio L. Colina IV)