TARLAC CITY – Patay ang isang driver ng motorsiklo at kaangkas niya matapos silang mabundol ng isang pampasaherong bus sa highway ng Barangay San Sebastian sa Tarlac City.

Sa ulat kay Tarlac City Police Chief Supt. Bayani Razalan, nasawi sina Ronald Suarez, 35, driver ng Yamaha Mio (CA-29377); at Kevin Magat, 28, may asawa, kapwa ng Bgy. San Rafael.

Parehong naghihintay ng green light ang motorsiklo at ang bus (CXT-493) na minamaneho ni Roel Tabelisma, 48, may asawa, ng Bgy. Mangatarem, Pangasinan, sa San Sebastian- San Vicente Diversion Road, at nang mag-go ay biglang kumaliwa ang motorsiklo pero nahagip ito ng bus. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog