RIO DE JANEIRO (AP) – Wala pang nakatayang gintong medalya, subalit mistulan nang nagkampeon si Malaysian superstar Lee Chong Wei nang gapiin ang mahigpit na karibal at two-time Olympic champion Lin Dan ng China, 21-15, 11-21, 22-20,sa men’s single badminton semifinals ng Rio Olympics nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Kinokonsiderang pinakamahusay na player sa kanilang henerasyon, ilang ulit na nagkaharap sa Olympics at World Championship finals ang dalawa, ngunit mas madalas ang pangingibabaw ng Chinese star.

Napaluhod si Wei at natakpan ng kanyang mga palad ang mukha sa labis na kasiyahan matapos maitarak ang huling puntos para alisan ng korona si Lin at makausad sa gold medal match.

Makakaharap ni Wei ang mananalo sa duwelo nina Chen Long ng China at Viktor Axelsen ng Denmark.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa women’s singles gold medal match, magtutuos sina World No. 1 Carolina Marin ng Spain at giant-killer na si P.V. Sindhu ng India.