IPINOST ni Direk Chris Martinez ang picture ng leading men ng Star Cinema movie na Extra Service at makakapareha nina Coleen Garcia, Jessy Mendiola at Arci Muñoz.
Hindi pa sinabi ni Direk Chris kung sino kina Ejay Falcon, Vin Abrenica at Enzo Pineda ang makakapareha ng tatlong aktres. Pero kung pakikingan ni Direk Chris ang request ng fans na gustong sina Coleen at Enzo ang magka-partner dahil parehong angelic ang mukha, ang poproblemahin na lang niya at ng Star Cinema ay kung kanino magkakaroon ng chemistry sina Arci at Jessy kina Vin at Ejay.
Interesting ang male cast ng Extra Service dahil si Ejay lang ang homegrown at talagang nagsimula sa ABS-CBN. Si Vin ay galing ng TV5 at si Enzo ay galing sa GMA-7. (Nitz Miralles)