SA unang pagkakataon ay sa Pilipinas gaganapin ang History Asia Convention na dadaluhan ng mga sikat na personalidad both local at foreign. Ito ay idaraos sa World Trade Center ngayong August 25-28.

Pambihirang okasyon ito para makahalubilo sina Giorgio Tsoukalos ng Ancient Aliens, Storage War’s Brandi at Jarrod Passante, Gangland Undercovers Damon Runyan, Face Off’s Justin Moth at ang cast ng Celebrity Car Wars na binubuo nina KC Montero, Joey Mead King, Marc Nelson at Gaby dela Merced.

On display ang Phil. Veterans Bank award-winning exhibit na War of Our Fathers. Magsisilbing paalaala sa kabataang dadalo sa event ang kabayanihan ng mga Pilipino noong World War II upang makamit ang kalayaan mula sa kamay ng mga dayuhan.

“We look forward to a more partnership with History Asia as we see a lot of common goal,”pahayag ni Mike Villareal, PVB vice-president for corporate and consumer relations.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tulad ng channel, ang History Con ay tatalakay sa iba’t ibang topic with interest tulad ng paranormal/sci-fi, survival and adventure, motoring, history at kultura

Makipag-ugnayan sa HistoryAsia.com/HistoryCon para sa convention passes. (REMY UMEREZ)