CAPAS, Tarlac – Pitong katao ang nasugatan sa pagkakarambola ng tatlong tricycle sa highway ng Sitio Kamatis sa Barangay Aranguren, Capas, Tarlac.

Nasugatan si Daniel Castro, driver ng Kawasaki Badja tricycle (QV-2195); at mga pasahero niyang sina Aloja Prutacio, 15, ng Bgy. Cristo Rey; at Ma. Regina Agustinas, 14, ng Bgy. O’Donnell, Capas; si Noel Baluyut, 26, driver ng isa pang tricycle (RR-9313), ng Bgy. Sto. Rosario, Capas; at pasaherong si Katrina Aratea, 19, ng Bgy. Aranguren, Capas, Tarlac.

Sugatan din ang driver ng ikatlong tricycle (CI-7619) na si Ariane Matias, 27; at pasaherong si Kimberly Matias, 23, may asawa, ng Bgy. Sta. Lucia, Capas, Tarlac. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog