Bumulagta ang dalawang lalaki na umano’y miyembro ng gun-for-hire syndicate, matapos makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis sa Caloocan City, nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat na natanggap ni Police chief Ins. Ilustre Mendoza, ng Station Investigation Division (SID), inilarawan ang dalawa na nasa edad 35 hanggang 40, may taas na 5’5 at 5’7, katamtaman ang pangangatawan, at nakasout ng jacket.

Base sa ulat, dakong 11:30 ng gabi, may tumawag na residente sa Caloocan Police na nababahala umano sa dalawang lalaking nakamotorsiklo na paikut-ikot sa C-3 Road, Barangay 28, Caloocan City.

Nang puntahan ng Special Reaction Unit- Special Weapon and Tactics (SRU-SWAT) ay agad nakatunog ang mga suspek kaya’t nagkaroon pa ng ilang minutong habulan hanggang sa nakorner ang mga ito at nagkabarilan na naging sanhi ng pagkamatay ng mga suspek.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Narekober ang dalawang .45 caliber, mga larawan ng tatlong tao, at ilang pakete ng hinihinalang shabu.

(Orly L. Barcala)