Edukasyon muna bago gymnasium.

Ito ang panuntunan na nais maisulong ni Rio Olympics silver medal winner Hidilyn Diaz para sa mga kabataan na nagnanais na sundan ang kanyang mga yapak.

Tatawaging Hidilyn Weightlifting School, nakakuha ng ayuda ang 24-anyos na weightlifter mula sa Alsons Consolidated Resources.

Sinabi mismo ni Diaz, kasama sina Zamboanga City Councilor at dating national coach Elbert Atilano, coach Alfonsito Aldanete at teammate na si Nestor Colonia na makakamit niya ang pangarap na maipatayo ang isang weightlifting gym sa tabi ng kanilang tahanan sa Zamboanga City.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We want to help her (Diaz) with the educational scholarships and on putting up her soon to be called Alson-Hidilyn Diaz Weightlifting School,” sambit ni Alsons Corporate Communications Manager Oscar Benedic Contreras III sa isinagawang media conference kahapon.

“We do give scholarships to the kids as part of our corporate social responsibility and we want to help her with her project in mind, details of which will be discuss and develop with based on what she wanted to be with her school,” pahayag ni Santillan.

“Our trust is really to improve education of our youth and now with young athletes.”

Ipinaliwanag naman ni Atilano, kasalukuyang Vice-President at head ng Technical Commission ng Philippine Weightlifting Association (PWA), na kanilang i-aadopt ang isinusulong na programa ng probinsiya na dapat munang mag-aral ang mga kabataan bago nito turuan at isabak sa pag-aaral ng weightlifting.

“We value the education of our youth dahil noong time namin, marami kami nagbubuhat pero dalawa lang yata kami na nakatapos ng pag-aaral. Kaya napagusapan namin ni Heidi (Diaz) na dapat naka-enroll muna ang isang bata bago siya makapagsanay sa bubuuin nitong gym,” sabi ni Atilano.

Hindi naman sinabi ang kabuuang halaga nang ibibigay ng Alsons subalit susundin nito ang anumang naisin ni Diaz para sa pagbibigay edukasyon sa mga kabataan kabilang na ang posibleng allowances, pasilidad at kagamitan sa bubuin nito na gym pati na rin sa pagtatayo ng eskuwelahan.

Nakatakda naman magtungo sina Diaz sa Senado para sa courtesy call sa mga Senador gayundin sa Philippine Air Force kung saan nakatakda itong bigyan ng promosyon para sa kanyang pagbibigay karangalan sa Pilipinas sa Olympics.

Tumanggap ng kabuuang P7.5 milyon cash incentives si Diaz, gayundin ang bagong pabahay na kaloob ng Davao-based 8990 Deco Homes. (Angie Oredo)