JACKIELOU EDU LOVI TOM copy copy

MAG-OOBER da bakod muna si Edu Manzano sa GMA-7 dahil kasama siya sa cast ng bagong Telebabad serye na Someone To Watch Over Me. Gaganap siya bilang nag-abandonang ama ni Tom Rodriguez noong bata pa ito, pero kinilala ang anak kalaunan at pinag-aral hanggang makatapos.

Kasama nina Edu at Tom sa cast sina Lovi Poe, Max Collins, Martin del Rosario, Alice Dixson, Jackie Lou Blanco, Isay Alvarez, at maraming iba pa.

Kaya pahinga muna sa hosting si Edu, magda-drama uli siya sa Someone To Watch Over Me na hindi rin naman bago sa kanya dahil may mga ginawa na siyang teleserye noon. Maipapakita niya uli na hindi lang siya sa hosting mahusay, pati na sa drama.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa pagtanggap ni Edu sa teleserye, pinatunayan din niya na hindi niya kayang iwan ang showbiz. Mahabang panahon siyang nawala sa limelight dahil tumakbong senador sa katatapos na eleksiyon, pero babawi na siya ngayon.

“I’ve been in the business for 30 plus years, ‘tapos naging president pa ako ng Actor’s Guild. Naging chairman pa ako ng Optical Media Board, lahat ‘yan may kinalaman sa industriya. All of a sudden, hindi ko na kilala ‘yung mga bata, mga bagong artista, hindi ko na kilala ‘yung mga bagong director. So, ang daming nababanggit na pelikula, and (I thought), ano? May pelikulang ganu’n? So, you know, I felt like, parang ayokong iwanan ng ganyan ang industriya.

Gusto ko may manatili na more recent na alaala,” sabi ni Edu.

Maghanda na rin si Edu para sa presscon ng Someone To Watch Over Me dahil tiyak na matatanong siya tungkol sa anak na si Luis Manzano, Jessy Mendiola at Angel Locsin.

Matatandaang naging laman ng entertainment pages kamakailan ang pagtawag niya ng “anak” kay Angel kahit break na ito kay Luis. (Nitz Miralles)