Tiniyak ng Food and Drugs Administration (FDA) na ligtas inumin ang C2 products sa Pilipinas matapos ipatigil ng Vietnam Ministry of Health ang pagbebenta ng green tea at energy drink ng Universal Robina Corporation (URC) Vietnam dahil sa sobrang dami ng nakalalasong kemikal na lead.

Kaagad na nagsagawa ng sariling imbestigasyon ang FDA sa C2 Cool & Clean products sa Pilipinas at lumabas sa kanilang pagsisiyasat na ligtas ang mga produktong gawa dito at sumusunod din ang URC Philippines sa Good Manufacturing Practices (GMP) na ipinatutupad ng ahensiya. (Mary Ann Santiago)

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'