Tinawag na “record breaking” ng Office of the Ombudsman ang bilang ng mga kasong graft na isinampa ngayong taon.

Sa inilabas na pahayag, sinabi Ombudsman Conchita Carpio-Morales na mas mataas ang 418 kasong katiwalian na inihain nila ngayong taon kumpara sa 357 na iniharap sa Sandiganbayan noong 2015.

Kabilang sa nakasuhan ng anti-graft agency sina Senator JV Ejercito sa maanomalyang pagbili ng baril noong 2008 bilang alkalde ng San Juan City, dating Makati City mayor Junjun Binay sa overpriced construction ng city hall parking building, at dating Philippine National Police chief Alan Purisima sa courier service contract ng PNP noong 2011. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

Kakai sa di kakain ng karne pero pumapatol sa may asawa: 'Maggulay ka na lang bhie!'