Isang Amerikano na pinaghahanap ng mga awtoridad sa US dahil sa pagmumolestiya ng menor de edad ang ipatatapon palabas ng bansa matapos maaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Davao City.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang pugante na si Jeffrey Wayne Birge, 57, nadakip ng mga miyembro ng Fugitive Search Unit ng ahensiya sa tirahan nito sa Woodridge Subdivison sa Wawa, Davao City.

Ipatatapon si Birge bunga ng pagiging undesirable at undocumented alien matapos kanselahin ng Amerika ang pasaporte nito. Mayroon siyang standing arrest warrant mula sa hukuman sa Tarrant County, Texas sa kasong rape sa isang bata.

(Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter