Makaraan ang may anim na taon, sinimulan nang magsagawa ng inspeksyon ang Department of Transportation (DoTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ruta ng North Railway project mula sa Tondo, Maynila hanggang sa Malolos, Bulacan.

Ang 38-kilometrong train system project ay natigil nang pumasok ang Aquino administration noong 2010 dahil sa isyu ng katiwalian.

Sa paunang report, isang elevated train system ang itatayo sa dating ruta ng Philippine National Railways (PNR).

Sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bubuhayin ang nasabing ruta ng tren para mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa northern part ng Metro Manila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Masato Ohtaka, spokesman ng Japanese Foreign Ministry na maglalaan ang kanilang pamahalaan ng $2.4 bilyon para sa nasabing proyekto.

Ang naturang rail project ay bahagi ng pag-uusap nina Duterte at Japan Foreign Minister Fumio Kishida.

Ang nasabing loan ay babayaran ng bansa sa loob ng apatnapung taon pero pwede daw itong mabigyan ng palugit, ayon sa Japanese government. - Beth Camia