Iminungkahi ni Senate Minority Leader Ralph Recto na bigyan din ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para naman sa baha.

Aniya, kailangan ang dagdag na pondo para sa flood control projects at para mapabilis ito dapat na bigyan ng emergency powers ang Pangulo.

“So ‘yung R2.6 billion a day economic losses to traffic ay kung maaraw lang. ‘Di hamak na mas malaki, abot ng R3 bilyon, kung maulan as the resulting longer commute time or absences cuts worker productivity,” ani Recto.

Sinabi ng Senador na ang Manila Development Authority (MMDA) ay nabigyan lamang ng R504 milyon halaga para sa pagkumpuni at paggawa ng may 66 flood and drainage structures.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Noong 2012, naaprubahan ang P351 bilyon masterplan sa flood management ng National Capital Region (NCR).

Ang pondo ay gagamitin sa may 11-flood prone areas sa Metro Manila at inaasahang makumpleto sa 2035.

“There’s a study which shows that 40 percent of the 273 esteros, creeks and tributaries in the NCR are gone, buried under road networks and houses built on top of them. Paano ba ito mare-recover?” ani Recto.

Aniya, pwede din na pangasiwaan ito ng mga pamilya na naninirahan sa estero sa ilalim na rin ng Conditional Cash Transfer program, kapalit ng trabaho nila bilang Bantay Esteros. - Leonel M. Abasola