Agosto 14, 1880 nang makumpleto ang konstruksiyon ng Cologne Cathedral sa Cologne, Germany makalipas ang 632 taon. Ang pagdiriwang, na dinaluhan ni Kaiser Wilhelm I, ay ipinagbunyi ng buong bansa. Si dating Archbishop Cologne Konrad von Hochstaden ang bumuo ng cornerstone ng cathedral noong Agosto 15, 1248. Iba’t ibang krisis at kalamidad ang naranasan, hanggang sa natigil ang pagtatayo noong 1473.

Malaking tulong ang cathedral. Taong 1842, ipinagpatuloy ang konstruksiyon upang magpakitang-gilas ang German Catholics, at ipakitang may impluwensiya ang Germany sa engineering at kultura.

Mula 1880 hanggang 1884, ang cathedral ang pinakamataas na gusali sa buong mundo. At hinahalina rin nito ang 20,000 bisita araw-araw.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?