Ni Charina Clarisse L. Echaluce

Tinukuran ng anti-smoking group ang panukalang magkaroon ng cigarette holiday tuwing akinse ng buwan.

Ayon kay New Vois Association of the Philippines (NVAP) President Emer Rojas, sinusuportahan ng kanilang grupo ang House Bill No. 41 o Cigarette Holiday bill na isinampa ni Cebu City Rep. Rodrigo Abellonasa.

“The proposal to designate a day without cigarette smoking is laudable and should thus be supported. It will literally be a refreshing way to have one entire day where the country will be free of the poisonous cigarette smoke,” ani Rojas.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

“Living without cigarettes is a step forward in attaining better public health,” dagdag pa nito.

Naniniwala ang grupo na sa isang araw na walang sigarilyo, posible umanong maisip ng smokers na mabubuhay pa rin sila kahit walang yosi.

Posible din umanong magbigay ito ng daan para magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng smoking ban sa buong bansa, tulad ng ginawa nito sa Davao City.