Hinoldap ng dalawang hindi kilalang lalaki ang manager ng isang motorcycle shop sa Valenzuela City, noong Huwebes ng hapon.

Natangay kay Dave Espiritu, 24, branch manager ng Premio Motorcyle Sales and Services, ang P1, 800 cash at kanyang cellphone.

Ayon kay SPO2 Felix Viernes, dakong 2:15 ng hapon noong araw na iyon, pumasok ang mga suspek sa kanilang shop sa Demafelis Building, No. 203 Mac Arthur Highway, Barangay Karuhatan at nagkunwaring bibili ng motorsiklo.

Naka-helmet pa umano ang isa sa mga suspek habang nakasombrero naman ang isa na siyang lumapit kay Espiritu at nanutok ng baril.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Matapos umanong makuha ang pera sa kaha ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek.

“Buti at alerto itong si Espiritu kasi nagawa niyang ilagay sa ilalim ng kaha yung mahigit P100,000 nitong benta,” sambit ni SPO2 Viernes. (Orly L. Barcala)