DAVAO CITY – Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya nais na makulong si Moro National Liberation Front (MNLF) founder Nur Misuari dahil sa edad nito.

“I have told everybody that there is a warrant of arrest for Misuari. Now, Misuari is getting old. I am not saying — not saying that he is sick — but with his fragile condition because of his age, he does not to be pursued, and I do not want him detained,” sinabi ng Presidente sa isang press conference dito nitong Huwebes ng gabi.

Sinabi ng Pangulo na mas makabubuti para kay Misuari kung mananatili na lang ito sa pinagtataguan dahil kapag may masamang nangyari sa MNLF leader ay mawawalan na ng pagkakataon ang gobyerno na maisulong ang usapang pangkapayapaan sa grupo.

“You can never have a talk again with the Tausug, kung may mangyari dyan kay Misuari, malaking problema dyan, as in malaki. You lose the chance even if it is small one to have a peace talk with anybody there,” dagdag ni Duterte.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Ngunit sinabi ni Duterte na siya “will make a declaration that Misuari can go out anywhere he wants to go out – fine with me.”

Bumiyahe patungong Sulu kahapon, sinabi ni Duterte nitong Huwebes na hindi pa nakatakda ang pakikipagkita niya kay Misuari, ngunit bukas siya sa posibilidad na kausapin siya nito.

Idinagdag niyang magpapadala siya ng emisaryo upang makausap si Misuari sa Sulu.

“But I’m sure we will be sending an emmisary but if he is there tomorrow anywhere in in Sulu. If he’d want to meet met I will go there. Walang problema ‘yan, kaibigan kami,” anang Pangulo. (Antonio L. Colina IV)