PAHULAAN sa entertainment press kung sino ang ex-boyfriend ni Arci Muñoz na natagalan bago siya naka-move on, kaya talagang nakaka-relate siya sa role niya sa pelikulang Camp Sawi bilang si Gwen na kamiyembro ng ex niya sa banda na iniwan siya dahil sa ugali niya. E, di ba, Bossing DMB, may banda talaga si Arci?
“It really takes time, kailangan pagdaanan mo siya para mawala siya completely, para pag pumasok ka ulit sa bagong relasyon, alam mo na,” kuwento ni Arci sa presscon. “Kasi sa unang relasyon ko na heartbreak ko, hindi ko alam ang gagawin ko, para akong mababaliw, pero nu’ng pangalawa, parang ‘huh’ na lang.”
Masyadong emosyonal si Arci kaya nahihirapan siyang mag-move on at ito rin ang fear niya sa mga mahal niya sa buhay, tulad ng pagpanaw ng daddy niya noong nakaraang taon.
Sabi ni Arci, lahat ng ginagawa niya ngayon ay iniaalay niya sa kanyang ama na itinuturing na niyang ‘soulmate’ kasi soul na raw.
May pagkakomedyana talaga itong si Arci na idinadaan na lang sa biro ang lahat ng mga sakit na nararamdaman niya.
Pero ngayon ay masayang-masaya na si Arci sa piling ng boyfriend niyang si Badi del Rosario, bokalista ng bandang Mr. Bones and the Boneyard Circus. Hindi raw totoong hiwalay na sila dahil nagseselos sa mga ginagawa niyang pelikula.
“Very supportive, very supportive boyfriend,” sabi ng dalaga.
Malayo pa raw bago siya magpakasal dahil busy pa siya at tantiya niya ay edad 30 or 31 siya mag-aasawa. Sa madaling sabi, apat na taon na lang.
Anyway, natuklasan sa presscon na hindi pala billing conscious si Arci. Nu’ng tanungin pala kasi siya tungkol sa billing ng poster ng Camp Sawi, nagtanong din siya kung ano ang ibig sabihin nu’n at kung para saan.
“Hindi ko po kasi talaga alam ang meaning ng billing, kaya tinanong ko kung ano ‘yun at kung babayaran ba ulit ako, ha-ha-ha,” natatawang sabi ng aktres.
At heto pa, dedma lang siya kahit sa ilalim pa ilagay ang pangalan niya.
Anyway, sa Agosto 24 ang playdate ng Camp Sawi produced ng Viva Films at N2. Abangan ang mall tours ng naggagandahan at nagseseksihang cast ng pelikula. (Reggee Bonoan)