BINALAAN ni Pangulong Duterte ang Supreme Court laban sa pagpapatupad ng legal na teknikalidad at pagbuo ng “constitutional crisis” sa anti-drug campaign ng kasalukuyang administrasyon.
Napakalaking problema ng ilegal na droga. Hindi maaari maging hadlang ang SC, sinabi DU30.
“Please, please, please do not create a confrontation, a constitutional one. Talo tayo lahat dyan,” pahayag ng Pangulo sa Chief Justice Maria Lourdes Sereno na nagsabi na kinakailangan munang ipakita ang warrant of arrest bago arestuhin ang mga suspek sa ilegal na droga, kabilang na ang mga miyembro ng judiciary.
Ngunit hindi madaling makakuha ng warrant of arrest mula sa korte para sa 6,000 suspek sa ilegal na droga, ani Duterte.
“Go ahead and try to stop me. Would you rather that I declare martial law?” tanong ni Duterte sa kanyang talumpati sa kanyang pagbisita sa mga sundalo sa Camp Evangelista, Cagayan de Oro City.
“Let’s not kid each other Ma’am, and do not force the issue. You do not warn me, I warn you. I can order everyone in the executive department not to honor you,” diin ng Pangulo.
Ipinaliwanag ni Duterte na matagal kumuha ng arrest warrant at hindi maaaring maging pamantayan bilang “crimes are rampaging” sa bansa.
“There is slaughter every day and you are just interested in warrant of arrest? Is that all? “You must be joking,” ayon kay Duterte.
“Huwag tayo magbolohan at do not force the issue,” he said. “Just because you’re the Supreme Court, you’ll order me?
I will not follow you,” dagdag ng Pangulo.
Una nang inabisuhan ng chief justice ang mga mahistrado na huwag sumuko kung walang inihaing arrest warrant at ipinahayag sa Pangulo na responsibilidad niya ang pagpapataw ng parusa sa judicial “misfits.”
Ang pagbabanggit ng kanilang mga pangalan sa publiko ay magiging banta sa kani-kanilang buhay, dagdag ni Sereno.
Samantala, nilinaw ni Duterte na hindi umano niya ipinag-utos ang pag-aresto sa mga government official kundi ay magtungo sa kani-kanilang superior upang linisin ang kanilang mga pangalan, at idiniin na wala siyang inakusahan at binasa niya lamang ang mga pangalan ng mga public official na pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga.
(Fred M. Lobo)