Mga Laro Ngayon

(Smart-Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Mahindra vs Phoenix

7 n.g. -- Star vs NLEX

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Marami ang namangha sa katayuan ng Mahindra. Ngunit, handa ang Enforcers na patunayan na hindi sila pipitsugin na koponan.

Target ng Enforcers na mahila ang winning run sa lima sa pakikipagtuos sa Phoenix sa unang laro ng double header match ngayon sa OPPO-PBA Governors Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Palawigin pa ang kanilang impresibong panimula ngayong season ending conference ang tatangkain ng Mahindra sa pagsabak kontra Phoenix sa unang laro ngayong hapon ng 2016 PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nakatakda ang laro, ganap na 4:15 ng hapon.

Maghihiwalay naman ng landas ang Star at NLEX mula sa five-way tie kasama ang Phoenix, Alaska at Blackwater sa kanilang pagtatapat sa ganap na 7:00 ng gabi.

Umaasa si assistant coach Chris Gavina na maipagpapatuloy ng Enforcers ang matikas na kampanya, higit at nagkaloob ng karagdagang suporta si team manager at Senador Manny Pacquiao.

Muli, mamuno sa Mahindra sina import James White, Aldrech Ramos, at Niño Canaleta habang sasandigan nila ang inspirasyong hatid ni Pacman.

Samantala sa tampok na laro, mag- uunahang magtala ng ikalawang panalo at makabalik sa winning track ang Hotshots at Road Warriors. (Marivic Awitan)