Posibleng mabigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para resolbahin ang problema sa trapiko, sa buwan ng Disyembre.

Ito ang inihayag ni Sen. Grace Poe, chairwoman ng Senate Public Services Committee, kung saan bago mag-Christmas break sa December 17, ay maaaring pasado na umano ito sa Senado.

Ang emergency powers ay co-terminus umano ng 17th Congress, kung saan matatapos ito sa June 30, 2019.

Wala naman umanong kuwestiyon sa emergency powers, ngunit paplantsahin kung papaano ito gagamitin ng Chief Executive.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Unang sumalang sa Senate hearing kahapon si Transportation Secretary Arthur Tugade, kung saan inilatag ang estado ng land at air transport sectors.

Naniniwala si Poe na si Tugade ay may lakas at liderato para lapatan ng solusyon ang problema sa trapiko.

(Mario Casayuran)