Pinagbabaril hanggang sa napatay ng hindi kilalang gunman, na nakasuot ng bonnet, ang isa umanong “drug runner” ng mga bus driver sa harapan ng kanyang bahay sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala sa pamamagitan ng natagpuang identification (ID) card ang biktimang si Crispin Torres, 45, ng NAIA Road Mercury St., Barangay 198, zone 20, ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat na natanggap ni Pasay City Police chief Sr. Supt. Nolasco Bathan, dakong 3:45 ng madaling araw sumulpot at pinaulanan ng bala ang walang kamalay-malay na biktima na kumakain sa harapan ng kanyang bahay noong mga oras na iyon.

Nang makitang duguang bumulagta si Torres, nag-iwan ang gunman ng isang karatula na may nakasulat na, “pusher ako wag ninyo akong tularan”.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa rekord ng pulisya, sinasabing drug runner ang biktima na karamihan sa sinusuplayan nitong parokyano ay mga driver. (Bella Gamotea)