Inatasan ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga tauhan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na higpitan ang pagsala sa mga pumpasok na Vietnamese sa bansa kasunod ng mga ulat na ilan sa kanila ay biktima ng sindikato at illegal recruitment para magtrabaho sa Pilipinas.

“The Philippines should not only stop being a source of human trafficking victims. We must also not allow our country to be a destination for them,” ani Morente.

Inilabas ng commissioner ang kautusan matapos matisod ng BI ang operasyon ng isang sindikato ng human trafficking na nag-aayos ng mga biyahe sa Pilipinas ng mga Vietnamese laborer. (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'