PAOLO copy

MAG-AANIM na buwan na palang hindi napapanood sa Eat Bulaga si Paolo Ballesteros na aminadong miss na miss na ang Dabarkads.

 

Kalahati naman kasi ng buhay niya ay nasa Eat Bulaga siya.

Human-Interest

KILALANIN: Si Pope Leo XIV—ang Santo Papa na aktibo sa social media

“Since 2000 or 2001 nandoon na ako, so mga 15 years na,” saad ni Paolo nang makausap namin sa shooting ng Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend.

So, kailan siya babalik sa EB?

 

“’Yan din ang tanong ko!” natawang sabi. “Baka alam n’yo? Siyempre nami-miss, eh, di ba araw-araw ginagawa ‘yun, nami-miss ko ‘yung mga kasama ko sa trabaho, pero mas nami-miss ko ‘yung mga na-interview namin na nanalo sa ‘Juan For All’, ganu’n. 

 

“Kasi kakausapin mo sila, tatanungin mo kung ano’ng buhay nila, ganyan. Kaya kapag nagso-shooting kaming may mga taga-Barangay, kinakausap ko ‘yung mga lola,” kuwento ni Paolo.

 

Inamin niya na nag-usap ang manager niyang si Jojie Dingcong at ang TAPE management tungkol sa pagkakasuspinde niya pero ayaw banggitin ng aktor ang detalye.

“Company matters,” aniya.

 

Pero sa kabilang banda, nakabuti rin sa kanya na nawala siya sa programa dahil nakapagpahinga siya.

  

“Okay lang naman kasi hindi lang naman ako ‘yung napahinga, niloloko ko nga sina Jose (Manalo) at Wally (Bayola), o, at least tayong tatlo, tie na tayo. Kasi ‘yung dalawa napahinga rin, wala na tayong maipagmamalaki sa isa’t isa.”

 

At kahit wala siyang regular show ngayon, abala naman siya sa dalawang pelikula.

 

“Ito, gumagawa ng Die Beautiful at itong Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend. Okay naman kasi itong movie (ikalawa), nag-umpisa kami last month lang, before ano lang, bed rest, pahinga lang. Nasa bahay lang ako. Timing din kasi ang init, so talagang napahinga ako,” kuwento ni Paolo.

 

Akala naman ng ibang followers ni Paolo, may cooking show na siya dahil panay ang post niya ng mga niluluto niya.

 

Biniro ng mga katoto ang aktor na siya pala ang title role sa Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend. (REGGEE BONOAN)