CEBU CITY – Isinapubliko ni Mayor Tomas Osmeña ang hamon niya kay dating Cebu City Mayor Michael Rama na sabay silang sumailalim sa lie detector test kasunod ng pagkakasama ng pangalan ng huli sa listahan ng mga pulitiko, hukom, pulis at sundalo na umano’y sangkot sa bentahan ng droga.

“He said the truth will set him free? Let’s see about that. I am willing to sacrifice my civil liberties and will submit to the test at the same time as him,” ani Osmeña.

Tinalo ni Osmeña si Rama sa eleksiyon noong Mayor. Sinabi ni Osmeña na noong kampanya ay ikinakalat umano ng mga tagasuporta ni Rama na isa siyang drug protector.

Bukod kay Rama, ibinigay din ni Osmeña ang kaparehong hamon kay Supt. Romeo Santandar para sa isang lie-detector test na isasahihimpapawid nang live at pangangasiwaan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nauna nang nagtungo si Rama sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) central office upang linisin ang kanyang pangalan, sinabing “it might be part, again, of the previous political propaganda...when i was still vice mayor (ng Cebu City).” (Mars W. Mosqueda, Jr.)