Humirit si dating Makati City Mayor Junjun Binay sa Sandiganbayan na makabiyahe sa United States upang maipagamot ang anak na maysakit.

Sa kanyang mosyon, hiniling nito sa anti-graft court na payagan siyang magtungo sa US mula Agosto 14-26 upang isailalim sa medical consultation ang anak na 6–anyos na si Ken-Ken sa California kung saan nakabase si Dr. Ricardo Tan, isang allergologist at immunologist.

Aniya, ang kanilang hakbang ay alinsunod sa rekomendasyon ng pediatrician na nagsabing may “very uncommon disease” ang kanyang anak nang dapuan ito ng staphylococcal scalded skin syndrome.

Ipinaliwanag nito na maaari namang makalabas ng bansa ang bawat akusado alinsunod na rin sa inilabas na Department of Justice (DoJ) Circular No. 41 para sa “exceptional cases.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tiniyak din nito na hindi siya tatakas o kaya’y umiwas sa batas sa pamamagitan ng pagbiyahe sa ibayong-dagat.

Matatandaang nagpalabas ng hold departure order ang anti-graft court laban kay Binay at sa 13 pang akusado sa kasong graft, malversation at falsification of public documents kaugnay ng umano’y overpriced na pagpapagawa ng Makati City Hall building 2. (Rommel Tabbad)