Posible na muling magkakaroon ng rotating brownout sa ilang bahagi ng Luzon, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Paliwanag ng NGCP, bumagsak na naman ang reserbang kuryente ng Luzon kahapon. Aabot na lamang sa 9591 Megawatts (MW) ang available capacity nito habang inaasahan na papalo sa 9073 MW ang demand.

Dahil dito, isinailalim na ng NGCP sa yellow alert ang Luzon Grid na nangangahulugan na posibleng magkaroon ng power outage o pagkawala ng kuryente.

Nitong nakalipas na linggo ay nakaranas ng hanggang anim na oras na rotating brownout ang Metro Manila at mga karatig-lugar matapos ilagay sa kaparehong alerto ang Luzon Grid. - Rommel P. Tabbad

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa