TARLAC CITY - Pansamantalang nakadetine ngayon ang isang 42-anyos na lalaking Malaysian matapos niyang bugbugin at pagbantaan ang dating live-in-partner sa Fiesta Communities sa Barangay Matatalaib, Tarlac City.

Sa ulat kay Tarlac City Police Chief Supt. Bayani Razalan, kinaladkad at pinaggugulpi umano ni Abu Sufhirian Bin Idris, alyas Allan Bataller, Malaysian, ng Purok Rosal, Bgy. Sepung Calzada, ang 35-anyos niyang dating kinakasama, sa Bgy. Matatalaib.

Ayon sa biktima, Enero 2016 pa siya nagharap ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng pananakit sa kanya ng dayuhan at ikinagalit nito ang natanggap na subpoena. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito