Ipinag-utos ng Court of Tax Appeals (CTA) sa Commission on Elections (Comelec) ang pagre-remit ng P49 million na expanded withholding tax (EWT) na may koneksyon sa pagbili ng counting machines mula sa dalawang supplier na nagkakahalaga ng P612 million.

Ikinatwiran ng Comelec na exempted ang komisyon sa pagbabayad ng buwis, base na rin sa kanilang charter.

Gayunpaman, sinabi ng CTA na libre sa tax ang Comelec, ngunit may obligasyon ito bilang tax withholding agent.

Ang P49 million buwis ay mula sa 3,000 optical reading machines na hindi kinolekta sa Smartmatic Sahi Technology at Avante International Technology.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“This is a failure on the part of the Comelec to perform its duty to withhold the tax and remit the same to the government,” ayon sa CTA.

Ang mga nasabing electronic gadget ay ginamit sa 2008 Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) regional elections. - Jun Ramirez