Umusad sa semifinals ng US Women’s Amateur golf championship si Filipino-Japanese golfer Yuka Saso matapos gapiin si Nasa Hataoka ng Japan, 1 up, nitong Biyernes (Sabado sa Manila) sa Pennsylvania .
“I feel really great,” sambit ni Saso.
“I’m thankful and I’m looking forward to the next couple days,” aniya.
Sa idad na 15, naging kampeon si Saso sa Ladies Philippine Golf Tour. Makakaharap niya sa semifinal si Virginia Elena Carta ng Italy, nagtatangka na maging ikalawang player na nagwagi ng NCAA at sa naturang torneo s isang season.
Sa idad na 19, si Carta ang pinakamatandang player sa Final Four.
Nakalusot din si Eun Jeong Seong ng South Korea, gayundin ang 18-anyos na si Mathilda Cappeliez ng France.
Ginapi ni Seong si Andrea Lee ng Hermosa Beach, California, habang nagwagi si Carta kay Maria Torres ng Puerto Rico, 3 and 1.
“I don’t know why last night I was feeling super nervous, and as I woke up this morning, it was the same thing,” sambit ni Carta.