Kevin Durant (AP)
Kevin Durant (AP)
RIO DE JANEIRO (AP) — Tulad ng inaasahan, madali para sa US men’s basketball team ang magwagi sa Rio Olympics.

Ginapi ng Americans, sa pangunguna nina two-time NBA scoring champion Kevin Durant, ang China, 119-62, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila).

Hataw ang bagong Golden State Warriors star sa natipang 30 puntos.

Nag-ambag si DeMarcus Cousins ng 17 puntos, habang kumana si Paul George ng 15 puntos.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hataw naman si NBA player Bogdan Bogdanovic sa 19 na puntos para sandigan ang Serbia sa kauna-unahang panalo sa Olympic basketball bilang isang independent nation kontra Venezuela, 86-62.

Nagsalansan si Miroslav Raduljica ng 18 puntos mula sa 7-for-8 shooting para sa Serbia, bahagi ng dating international basketball power Yugoslavia. Noong 2004, lumahok sila sa Olympics bilang Serbia and Montenegro. Nakamit nila ang independensiya noong 2006.

Nanguna sina Jose Vargas at Gregory Echenique na may tig-12 puntos.

Sa exhibition game bago ang Rio, tinalo ng Americans ang Chinese sa dominanteng 106-57 at 107-57 panalo.