Babies breastfeed from their mothers as they join over 700 mothers during a mass breasfeeding activity at Pasig CIty, August 6, 2016, in celebration of the National Breastfeeding Awareness Month. The activity dubbed as

Nababahala si Senator Grace Poe sa ulat ng United Nation International Children’s Emergency Fund (UNICEF) na pinamagatang State of the World’s Children 2016 na umabot lamang sa 34% ng sanggol na may edad anim na buwan pababa ang pinasususo ng ina sa bansa.

Bukod dito umabot din sa 41% ng sanggol ang nakakaranas ng breastfeeding ng ina hanggang dalawang taon.

Natuklasan din sa naturang ulat na isa lamang sa dalawang sanggol ang pinasususo ng ina, isang oras matapos ipinanganak.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Nagdudulot ng mahusay na panimula sa buhay ang breastfeeding ng ina sa mga sanggol,” iginiit ni Poe na naghain ng Senate Bill No. 161 o ang panukalang “First 1,000 Days” na naglalayong bigyan ng kabuuang proteksiyon at suporta ang mga sanggol simula sa sinapupunan hanggang ikalawang taon. - Leonel M. Abasola