IMUS, Cavite – Limang katao ang nadakip nitong Huwebes ng gabi sa isang saklaan sa Barangay 54-Caridad sa Cavite City, iniulat kahapon ng Cavite Police Provincial Office.

Kinilala ni PO3 Jonathan Baclas ang mga naaresto na sina Angelito Perez Ocampo, 51; Angelito Olano Endacia, 55; Lawrence Mariano Villacruz, 42; Arnel Tobias Tolentino, 57; at Rico Caimol San Agustin, 39, pawang taga-Cavite City.

Nakumpiska ang mga betting board, baraha, P3,529 na taya, at iba pang paraphernalia, ayon kay Baclas. - Anthony Giron

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog