VICTORIA, Tarlac - Dalawang hinihinalang carnapper na tumangay umano sa isang tricycle ang napatay matapos umanong makipagbarilan sa mga nagrespondeng pulis sa Victoria-La Paz Road sa Barangay Cruz, Victoria, Tarlac.

Ayon kay PO3 Sonny Abalos, napatay sa shootout sina Jayson Siboloboro, 26, may asawa; at Roy Mata, 36, construction worker, kapwa taga-Bgy. Maturanoc, Guimba, Nueva Ecija, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Napag-alaman na tinangay umano ng dalawa ang Yamaha STX-135 tricycle (CA-3708) ni Carlos Ganapin, 43, magsasaka, ng Bgy. Sta. Barbara sa Victoria-La Paz Road. - Leandro Alborote

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog