Nakabawi ang Phoenix sa Café France, 91-83, nitong Huwebes sa 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup sa JCSGO Gym sa Cubao.

Dahil sa panalo, umangat ang Accelerators sa barahang 9-3 at napatatag ang kampanya para sa‘twice-to-beat’ sa semifinals.

Nanguna para sa Phoenix si Mike Tolomia na nagposte ng 28 puntos at anim na assist, habang nagdagdag naman si Mac Belo ng 21 puntos, anim rebound at dalawang assist.

“The most important thing is not the win but how we play together offensively and defensively. Pasalamat na lang ako na during yung run nung Cafe France sa dulo, na-regain nila yung composure nila,” ani coach Eric Gonzales.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Taglay ng Phoenix ang 81-61 bentahe sa simula ng fourth canto bago nakabawi ang Bakers para taypasin ang bentahe sa 81-75.

Ngunit, nakalayo muli ang Phoenix sa pamamagitan nina Pogoy at Tolomia..

Nakabawi ang Phoenix sa nalasap na 96-93 overtime na kabiguan sa Cafe France sa unang round.

Nanguna para sa Bakers si Congolese big man Rod Ebondo na may 21 puntos, 14 rebound at dalawang block.

May pag-asa pa naman ang Café France na makarating sa 8-3 karta sa pakikipagtuos sa sibak nang Topstar ZC Mindanao sa Martes. (Marivic Awitan)