Nanawagan ang Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur sa mga kapatid na Pilipinong Muslim na suportahan at mag-rally para sa isinusulong na prosesong pangkapayapaan at socio-economic development ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang panawagan ay ginawa ni Philippine Ambassador to Malaysia J. Eduardo Malaya sa isang reception na pinangasiwaan ng embahada at ng Union of Filipino Muslims in Malaysia sa Hari Raya Aidilfitri.
Naging panauhin si Datuk Seri Azman Ujang, chairman ng Bernama, Malaysia national news agency.
“The new administration under President Rodrigo Duterte has prioritized the development of Mindanao and the promotion of the welfare of Muslims, lumad indigenous people and Christians there. A true son of Mindanao, he knows fully well the needs of the region, and has reached out to all sectors of the Mindanao community,” sabi ni Ambassador Malaya.
Magpupulong ang 10-member Philippine government (GPH) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) Implementing Team sa Kuala Lumpur sa Agosto 13-14 upang simulan ang trabaho sa implementasyon ng Bangsamoro peace roadmap. Pamumunuan ang delegasyon ng GPH ni Secretary Jesus Dureza ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.
(Bella Gamotea)