Ipinanukala ni Senator Francis Pangilinan na taasan ang sahod ng mga nurse ng gobyerno upang hindi na sila mangibang-bansa.

Batay sa kanyang Senate Bill 965 o Comprehensive Nursing Law of 2016, mula sa umiiral na P19,077 alinsunod sa Salary Grade 11 itataas ang suweldo ng mga nurse sa P26, 192 (Salary Grade 15).

“Sana ay mahimok nito ang ating mga nurse na manatili sa bansa, lalo na sa mga probinsya kung saan may mas malaking pangangailangan,” ani Pangilinan. (Leonel M. Abasola)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'