Maaaring maharap sa kasong genocide at crimes against humanity si Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na nakabase sa The Hague dahil sa sistematiko at pare-parehong istilo ng pamamaslang sa mga hinihinalang sangkot sa ilegal na droga.

Ito ang babala ng human rights expert mula sa Association of Southeast Asian Nations na tumangging magpabanggit ng pangalan, nang makapanayam ng mga mamamahayag.

“President Duterte should be reminded that the Philippines signed and ratified the Rome Statute of the ICC that punishes crimes against humanity,” ayon sa source, kung saan binabanggit nito ang statute noong 1998.

Sinabi pa nito na sa ilalim mismo ng Philippine Constitution, ang mga suspek ay dapat gawaran ng due process, hindi agad pinapatay. (Roy Mabasa)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente