Tatlong miyembro ng National Democratic Front (NDF) ang pinayagan ng Supreme Court (SC) na bumiyahe sa Oslo, Norway, ngayong buwan upang dumalo sa peace talk.
Ang mga ito ay sina dating Party-List Rep. Satur Ocampo, Randall B. Echanis, at Vicente P. Ladlad.
Samantala hindi naman kinatigan ng SC ang apela ng Office of the Solicitor General na palabasin din ang 10 pang NDF members na dapat ay kasama din sa usaping pangkapayapaan. Sa regional trial courts umano sila dapat dumulog, dahil doon nakabinbin ang kanilang kinahaharap na kasong kriminal.
Sa resolusyong ipinalabas ng SC, nakasaad na: “Wherefore, the provisional liberty of Saturnino C. Ocampo, Randall B. Echanis, and Vicente P. Ladlad under their respective cash bonds is hereby confirmed. They are reminded to faithfully comply with the conditions of their cash bonds.”
Na-deny naman sina Tirso Alcantara, Alex Birondo, Winona Birondo, Maria Conception Bocala, Reynante Gamara, Alan Jazmines, Ma. Loida Magpatoc, Adelberto Silva, Benito Tiamzon, at Wilma Tiamzon. (Beth Camia)