OKLAHOMA CITY (AP) – Isa nang ganap na “franchise player” si Russell Westbrook sa Oklahoma City Thunder.

Sa pahayag ng ESPN, pumayag umano ang NBA All-Star guard sa alok ng Thunder na tatlong taong maximum contract extension na nagkakahalaga ng $85.7 million.

Ayon sa source, isang taon lamang ang ‘guaranteed’ sa kontrata at may pagkakataon si Westbrook na ipaglaban ang kontrata para sa malaking halaga.

Nilagdaan ni Westbrook ang kontrata nitong Huwebes sa Oklahoma City.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa naturang deal tumaas sa US$17.8 million mula sa US$8.7 million ang suweldo ni Westbrook sa isang taon.