Host ang Davao sa gaganaping 24th Shell National Youth Active Chess Championships Southern Mindanao leg sa Agosto 13-14, sa SM Ecoland Event Center.

Inaasahang madodoble ang bilang ng mga kalahok sa penultimate leg ng five-stage circuit na itinataguyod ng Pilipinas Shell bunsod na rin ng katotohanan na napakalawak ng komunidad ng chess sa rehiyon.

Bukas na ang pagpapatala sa torneo na nagtatampok sa mga non-titled student-player. Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan kay tournament director Alex Dinoy (0918-3705750 at 0922-8288510) o kay Southern Mindanao leg coordinator Ronnie Tabudiong (0943-2490821).

Puwede ring magpatala sa Shell website www.shell.com.ph/shell_chess.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakatakda ang National Finals sa Oktubre 1-2 sa SM Megamall.