BUTUAN CITY – Isang umano’y kumander ng New People’s Army (NPA), na may dalawang arrest warrant, ang nadakip ng mga tauhan ng Police Provincial Public Safety Company (PPSC) sa Sitio Baoy, Barangay San Isidro, sa Gigaquit, Surigao del Norte.

Ayon sa report ng Surigao del Norte PPSC sa Police Regional Office (PRO)-13 sa Camp Rafael C. Rodriguez dito, ang nadakip ay si Josefino Galez Cabil, umano’y kumander ng Squad Dos SPP-16-A Guerilla-Front Committee 16 ng NPA-Northeastern Mindanao Regional Committee (NMRC).

Akusado si Cabil sa murder at attempted murder, ayon sa PPSC. (Mike U. Crismundo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?